BPO companies, nininiyerbos sa tax reform program
Date:
June 5, 2017
Nagsisimula nang magduda ang Global business process outsourcing (BPO) companies sa bansa kung kaya pa nitong mapanitili ang competitiveness ng sektor sa mga susunod na taon.
Ito ay dahil sa mga agam-agam ng BPO companies sa panukalang magpapaba ng tax incentive sa ilalim ng first package ng tax reform program.
Ayon kay Contact Center Association of the Philippines (CCAP) president Jojo Uligan, niniyerbos ang mga member companies sa planong rationalization ng fiscal incentives.
Isa umano kasi ang government incentives sa mga dahilan kaya’t dito namumuhunan ang mga BPO companies at ito ang nagbibigay ng bentahe sa bansa.
Sa oras na maisabatas na ang first package ng tax reform program, kasama rito ang pagtanggal ng value added tax (VAT) exemption sa BPO sales at imports.
Sinabi pa ni Uligan, bagamat may iba pang maia-alok na advantage ang Pilipinas para maging destinasyon ng mga BPO firms, mahalaga pa rin ang VAT incentive para manatiling competitive ang BPO industry.
Dagdag ng CAAP president, maglalabas ng position paper ang IT-Business Process Association of the Philippines sa susunod na linggo kung saan isasama rin ang opinyon ng iba pang industry associations gaya ng CCAP at Philippine Software Industry Association.
Source: https://goo.gl/ugkHPo